Wang Yi, dadalo sa pulong ng BRICS at dadalaw sa Nigeria, Kenya, South Africa, Türkiye

2023-07-19 17:32:41  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Hulyo 19, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Hulyo 24 hanggang 25, dadalo si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa ika-13 pulong ng BRICS National Security Advisers and High Representatives on National Security na idaraos sa Johannesburg ng Timog Aprika.


Pagkatapos nito, dadalaw si Wang sa Nigeria, Kenya, South Africa at Türkiye.


Ang naturang aktibidad ay inimbitahan ni Khumbudzo Ntshavheni, Ministro ng Palasyong Pampanguluhan ng Timog Aprika at ng mga pamahalaan ng Nigeria, Kenya, South Africa, Türkiye.

 

Salin: Ernest

Pulido: Frank