Apat na Tsino, nasawi sa sakuna sa Biyetnam

2023-07-19 16:23:08  CMG
Share with:


Kinumpirma Martes, Hulyo 18, 2023 ng Konsulado Heneral ng Tsina sa Ho Chi Minh City, Biyetnam na gumulong nang araw ring iyon sa probinsyang Khanh Hoa sa gitnang Biyetnam ang isang kotse na may lulang 21 turistang Tsino, at nasawi rito ang 4 na Tsino.

 

Hanggang sa kasalukuyan, ipinadala na sa Khanh Hoa General Hospital ang ilang malubhang nasugatan, at inihatid naman sa pinakamalapit na ospital sa lokalidad ang mga bahagyang nasaktan.

 

Ayon sa impormasyon ng panig pulisya sa lokalidad, ibayo pang iimbestigahan ang tsuper ng kotse, upang tiyakin ang sanhi ng sakuna.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil