Wang Yi at Henry Kissinger, nagtagpo

2023-07-19 16:57:07  CMG
Share with:

Nagtagpo ngayong araw, Hulyo 19, 2023 sa Beijing sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika.


Ipinahayag ni Wang na gumanap minsan si Dr. Kissinger ng napakahalagang papel para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano at at pagpapalalim ng pagkaunawaan ng dalawang bansa.


Sinabi niyang, nananatiling matatag at tuluy-tuloy ang patakaran ng Tsina sa Amerika at ang pundasyon ng patakarang ito ay alinsunod sa prinsipyo ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at win-win na kooperasyon.


Inilahad din ni Wang ang paninindigang Tsino sa isyu ng Taiwan. Aniya, ang di-umano’y “pagsasarili ng Taiwan” ay pinakamalaking banta sa kapayapaan ng Taiwan Strait, at dapat sundin ang prinsipyong isang Tsina.


Ipinahayag naman ni Kissinger na ang pagpapanatili ng matatag na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa kapayapaan at katatagan ng daigdig at kapakanan ng buong sangkatauhan.


Saad pa niyang sa kabila ng anumang uri ng kahirapan, dapat panatilihin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan at pantay na pakikitungo sa isa’t isa.


Ipinahayag din niya ang pagsuporta sa pagsisikap kamakailan ng dalawang panig para pabutihin ang bilateral na relasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Frank