Nagtagpo Martes, Hulyo 18, 2023 sa Beijing sina Li Shangfu, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sinabi ni Li na ang tatlong prinsipyong gaya ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at win-win na kooperasyon ay tamang landas para magkasundo ang relasyong Sino-Amerikano sa bagong panahon.
Umaasa aniya siyang magkasamang maisasakatuparan ng dalawang panig ang mga komong palagay ng pangulo ng dalawang bansa para magkasamang pasulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at kanilang hukbo.
Sinabi naman ni Kissinger na dapat alisin ng Amerika at Tsina ang kanilang hindi pagkakaunawaan, magkaroon ng mapayapang pakikipamuhayan at iwasan ang komprontasyon.
Umaasa aniya siyang buong sikap na makakalikha ang dalawang panig ng positibong bunga para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil