Mataas na tinasahan ng komunidad ng daigdig ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa national conference on ecological and environmental protection na idinaos sa Beijing mula Hulyo 17 hanggang 18, 2023.
Sa kanyang talumpati, idiniin ni Xi na dapat pasulungin ang konstruksyon ng “Magandang Tsina,” at pabilisin ang proseso ng maharmonyang pakikipamuhayan sa pagitan ng tao at kalikasan.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga opisyal at dalubhasa ng mga bansa na natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal at naniniwala silang patuloy na magbibigay ang Tsina ng mahalagang ambag para sa sustenableng pag-unlad ng buong daigdig, at konstruksyon ng mas magandang mundo.
Ipinahayag Hulyo 19 ni Solomon Lechesa Tsenoli, Deputy Speaker of the National Assembly of South Africa, na ang mga ginagamit na hakbangin ng Tsina sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ay katularan na karapat-dapat pag-aralan ng ibang mga bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil