Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing Miyerkules, Hulyo 19, 2023 kay John Kerry, Espesyal na Sugong Presidensyal sa Klima ng Amerika, ipinagdiinan ni Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina ang kahandaan ng kanyang bansa na magpunyagi, kasama ng Amerika, upang hanapin ang pinakamalaking common ground, batay sa paggagalangan sa nukleong pagkabahala ng isa’t isa at lubos na pagpapalitan, pasulungin ang malalimang pagpapatupad ng Paris Agreement, at gawin ang mga bagong ambag sa pagharap sa mga hamong pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima.
Aniya, ang pagbabago ng klima ay may kaugnayan sa sustenableng pag-unlad ng sangkatauhan, at bilang isang responsableng malaking bansa, iginigiit ng Tsina ang makabagong pilosopiya ng kaunlaran, at aktibong hinaharap ang pagbabago ng klima, alinsunod sa pangangailangang panloob sa de-kalidad na pag-unlad.
Saad naman ni Kerry, bilang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, maraming sigasig ang ginawa ng Amerika at Tsina sa kooperasyon sa pagbabago ng klima.
Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniya ang Amerika na isagawa ang kooperasyon sa mataas na antas, at pasulungin ang pagtamo ng 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai ng mga positibong bunga.
Salin: Vera
Pulido: Ramil