Mga taikonaut ng Shenzhou-16, isasagawa ang extravehicular activities

2023-07-20 15:30:38  CMG
Share with:

Inihayag Miyerkules, Hulyo 19, 2023 ng China Manned Space Agency (CMSA) na sa malapit na hinaharap, isasagawa ng Taikonaut crew ng Shenzhou-16 ang extravehicular activities (EVAs) sa angkop na oportunidad.


Ayon sa CMSA, hanggang sa kasalukuyan, mabuti ang kondisyon ng mga Taikonaut ng Shenzhou-16 at matatag ang pagtakbo ng mga unit ng space station.


May kondisyon ang Taikonaut crew ng Shenzhou-16 sa pagsasagawa ng EVAs at pumasok ang Taikonaut crew sa space station ng Tsina noong Mayo 30.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil