White House: Mga cluster munition na ipinagkaloob ng Amerika, ginagamit ng Ukraine

2023-07-21 14:59:32  CMG
Share with:

Sinabi Huwebes, Hulyo 20, 2023 ni John Kirby, Koordinator ng National Security Council sa Estratehikong Komunikasyon ng Amerika, na ginagamit ng Ukraine ang mga cluster munition na ipinagkaloob ng Amerika.

 

Matatandaang inanunsyo Hulyo 7 ng Amerika ang pagkakaloob ng bagong pangkat ng saklolong militar sa Ukraine, at kabilang dito ay mga pamuksang cluster munition na ipinagbabawal ng batas ng Amerika.

 

Ang kapasiyahang ito ay binatikos ng maraming organisasyon ng karapatang pantao, dahil magbubunsod ito ng mas malaking kasuwalti ng sibilyan.

 

Ayon pa sa ulat ng media ng Rusya Hulyo 16, inihayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na kung gagamitin ng sinuman ang mga cluster munition laban sa Rusya, pananatilihin ng panig Ruso ang karapatan sa paggaganti ng katugong aksyon.


Salin: Vera

Pulido: Ramil