Sa magkasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at pamahalaang panlunsod ng Shanghai, idinaos Hulyo 20, 2023 sa Shanghai ang Ikalawang CMG Forum.
Sa porma ng online at offline, dumalo sa porum ang mahigit 230 kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig, pangunahing mediang Tsino at dayuhan, think tank na Tsino at dayuhan, at transnasyonal na kompanya.
Tinukoy ni Chen Jining, Secretary of the Shanghai Municipal Committee of the Communist Party of China (CPC), na ang media ay lumalahok sa pagkalat ng ideya ng modernisasyon, tagapagpasulong sa pagpapakita ng bunga ng modernisasyon, at tagapagsulong sa pagpapalitan ng karanasan ng modernisasyon.
Inaasahan niyang makakapagbigay ang mga kalahok ng mga bagong ambag sa magkakasamang pagtahak ng sangkatauhan sa landas ng modernisasyon.
Ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang magkakapit-bisig na pagpapasulong ng modernisasyon, at pagpapasulong ng sibilisasyon ng sangkatauhan ay karapat-dapat na misyon ng media.
Dapat aniyang palalimin ng mga media ang kooperasyon, at magkakasamang pasulungin ang koneksyon ng puso ng mga mamamayan upang makapagbigay ng mas maraming katalinuhan at lakas para sa pagsasakatuparan ng modernisasyon ng lipunan ng sangkatauhan.
Ipinahayag ni Pavel Negoitsa, General Director of Rossiyskaya Gazeta, na nitong mga taong nakalipas, mabunga at mabisa ang kooperasyon sa pagitan ng Rossiyskaya Gazeta at CMG.
Ipinaabot din niya ang pag-asang ibayo pang mapapalalim ang kooperasyon ng kapuwa panig.
Ipinahayag ni Ahmed Nadeem, Secretary General of Asia-Pacific Broadcasting Union, na ang bagong pagkakataon ng pag-unlad ng buong mundo ay modernisasyong Tsino.
Ito aniya ay hindi lamang nakakapagpataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, kundi nagkakaloob ng mabuting karanasan sa iba pang mga bansa.
Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Paul Bascobert, President of Reuters, na ang CMG Forum ay isang napapanahon at may-katuturang pagtitipun-tipon.
Dapat aniyang magkakasamang magpunyagi ang mga kalahok upang harapin ang mga malalaking hamon at hanapin ang landas ng pag-unlad na magbebenepisyo sa buong sangkatauhan.
Ipinahayag ni Steven Barnett, Senior Resident Representative in China of International Monetary Fund (IMF), noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumaki ng 5.5% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng Tsina na nakaabot sa pagtaya.
Kaugnay ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, inihayag niya na dapat isagawa ng iba’t-ibang bansa ang mga positibong hakbangin para mapalakas ang multilateral na sistemang pangkalakalan, mapasigla ang diwa ng pandaigdigang kooperasyon, at harapin ang mga hamon sa kabuhayang pandaigdig.
Sa pamamagitan ng video link, ipinaabot ng mga dayuhang diplomata sa Tsina, namamahalang tauhan ng organisasyong pandaigdig, bantog na iskolar at eksperto, at pinuno ng mga transnasyonal na kompanya, ang kanilang pananabik na mapapalakas ang pagpapalitan at mapapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng mga media ng buong mundo upang magkakasamang tahakin ang landas ng modernisasyon.
Salin: Lito
Pulido: Ramil