Ayon sa China Manned Space Agency, natapos Huwebes, Hulyo 20, 2023 ng mga taikonaut ng Shenzhou-16 ng Tsina ang kanilang unang extravehicular activity (EVA) at tumagal ng 8 oras ang buong proseso ng spacewalk.
Sa ilalim ng suporta ng robotic arms, natupad ng tatlong taikonaut na sina Jing Haipeng, Zhu Yangzhu at Gui Haichao ang lahat ng mga tungkuling kinabibilangan ng bracket installation, pag-angat ng panorama camera B ng core module, at pagbubukas at pag-angat ng panorama cameras A at B ng Mengtian lab module.
Si Zhu Yangzhu ay nagsilbing unang space flight engineer na nagsagawa ng EVA.
Isasagawa ng tripulante ng Shenzhou-16 ang maraming space science experiment, at matutupad ang multipleng EVAs.
Matatandaang inilunsad ng Tsina ang Shenzhou-16 manned spacecraft noong Mayo 30, at ipinadala ang tatlong taikonaut sa space station para sa 5-buwang misyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil