Hilagang Korea, kinondena ang pulong ng "Nuclear Consultative Group" ng Timog Korea at Amerika

2023-07-21 14:40:13  CMG
Share with:

Inilabas Huwebes, Hulyo 20, 2023 ni Kang Sun Nam, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Hilagang Korea, ang pahayag na kinondena ang pulong ng "Nuclear Consultative Group" ng Timog Korea at Amerika na idinaos Hulyo 18.

 

Anang pahayag, ang pagdaong ng strategic nuclear submarine ng Amerika sa Pusan Port ay kauna-unahang pagdedeploy ng Amerika ng estratehikong sandatang nuklear sa Korean Peninsula at ito’y naging direktang bantang nuklear sa Hilagang Korea.

 

Ayon pa sa pahayag, responsableng pangangalagaan ng sandatahang lakas ng Hilagang Korea ang kabuuan ng teritoryo at soberanya at pundamental na kapakanan ng bansa para mapigilan ang pagganap ng digmang nuklear sa Korean Peninsula at Hilagang silangang Asya.

 

Ayon sa naunang ulat ng Yonhap News Agency, bumisita Hulyo 19 si Pangulong Yoon Suk-yeol ng Timog Korea sa nabanggit na submarine.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil