Tsina, umaasang mapapanumbalik ang pagluluwas ng pagkain at abono ng Rusya at Ukraine sa pinakamadaling panahon

2023-07-22 13:54:06  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa makataong isyu ng Ukraine, sinabi Hulyo 21, 2023 ni Geng Shuang, pangalawang pirmihang kinatawang Tsino sa UN, na umaasa ang panig Tsino na mapapanumbalik ang pagluluwas ng pagkain at abono ng Rusya at Ukraine sa lalong madaling panahon.


Sinabi ni Geng na ang Black Sea Grain Initiative at Memorandum of Understanding tungkol sa pagluluwas ng pagkain at abono ng Rusya, ay may mahalagang katuturan para maigarantiya ang pagsuplay ng pagkain sa buong daigdig, at mapatatag ang pandaigdigang merkado ng pagkain.


Kaya, dapat aniyang balanse, komprehensibo, at mabisang ipatupad ang mga ito, at dapat ding lutasin ng mabuti ang makatwirang pagkabahala ng may kinalamang panig.


Muling nanawagan ang panig Tsino sa nagsasagupaang panig na panumbalikin ang talastasang pangkapayapaan sa lalong madaling panahon, diin pa ni Geng.


Salin: Lito