Ipinatalastas ngayong araw, Hulyo 24, 2023, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-27 hanggang ika-28 ng buwang ito, pupunta si Pangulong Xi Jinping sa Chengdu, lunsod sa timog kanluran ng Tsina, para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-31 FISU Summer World University Games o Chengdu Universiade.
Samantala, ihahandog niya ang bangketeng panalubong para sa mga dayuhang lider na dadalo rin sa naturang seremonya at dadalaw sa Tsina. Idaraos din nila ang mga bilateral na diplomatikong aktibidad.
Kabilang sa mga dayuhang lider na dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng Chengdu Universiade at dadalaw sa Tsina ay sina Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, Pangulong Mohamed Ould Cheikh Ghazouani ng Mauritania, Pangulong Evariste Ndayishimiye ng Burundi, Pangulong Irfaan Ali ng Guyana, Punong Ministro Irakli Garibashvili ng Georgia, at Punong Ministro Sitiveni Rabuka ng Fiji.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos