​ Partido ng Cambodian PM, tagumpay sa pambansang halalan

2023-07-24 15:15:14  CMG
Share with:

Ipinahayag kagabi, Hulyo 23, 2023 ng Tagapagsalita ng Cambodian People’s Party (CPP), naghaharing partido na pinamumunuan ni Punong Ministro Hun Sen, na natamo nito ang malaking tagumpay sa pambansang halalang idinaos nang araw ring iyon.


Bagama’t hindi pa inilalabas ang opisiyal na resulta ng halalang ito, ayon sa National Election Committee, ang opisyal na resulta ay ilalabas Agosto 9.


May kabuuang 18 partido ang lumahok sa naturang halalan, na ginaganap isang beses bawat limang taon, para maghalal ng 125 mambabatas para sa Pambansang Asembleya ng Kambodya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil