Pangulong Tsino: buong sikap na isakatuparan ang target ng kabuhayan sa taong 2023

2023-07-25 14:57:57  CMG
Share with:

Sa isang symposium kasama ng mga non-CPC personages na itinaguyod Hulyo 21, 2023 ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nanawagan si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na dapat buong sikap na isakatuparan ang target ng kabuhayan sa taong 2023.

 

Layon ng symposium na humingi ng mga opinyon at mungkahi hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng pambansang kabuhayan, at gawaing pangkabuhayan para sa huling hati ng taong ito.

 

Idiniin ni Xi na dapat patuloy na pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan, pabutihin ang puwersang panloob ng kabuhayan at ekspektasyon ng lipunan, iwasan ang mga hamon at nakatagong panganib, at mabisang mapalaki ang output ng kabuhayang Tsino.

 

Bukod sa mga lider ng CPC, dumalo rin sa symposium ang mga puno ng walong non-CPC parties, puno ng All-China Federation of Industry and Commerce, at kinatawan ng mga non-party personages.

 

Ipinalalagay nilang dapat pasulungin ang de-kalidad na pagbubukas sa labas, pabilisin ang pagdedebelop ng artificial intelligence at biomedicine, at pasiglahin ang bagong tipong konsumo.

 

Pinasalamatan ni Xi ang mga mungkahi at palagay ng mga kalahok na kinatawan ng non-CPC personages.

 

Sinabi ni Xi na bilang tugon sa mga hamon sa pagtakbo ng kabuhayan, dapat pahigpitin ang macro-control at palawakin ang pangangailangan.

 

Ipinanawagan niyang pabutihin at pataasin ang antas ng industriya, palalimin ang reporma at pagbubukas sa labas, mapigilan at malutas ang hamon sa mga masusing larangan, at maigarantiya at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan, para isakatuparan ang target ng pag-unlad at paglaki ng kabuhayan sa taong 2023.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil