Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping kay Hun Sen

2023-07-25 15:03:37  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Hulyo 25 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang mensahe kay Hun Sen, Presidente ng Cambodian People’s Party (CPP), bilang pagbati sa tagumpay ng CPP sa pambansang halalan.

 

Tinukoy ni Xi na patuloy na susuportahan ng Tsina ang pagtahak ng Cambodia ng landas ng pag-unlad na angkop sa sariling pambansang kalagayan.

 

Ani Xi, naniniwala siyang sa ilalim ng pamumuno ni Hun Sen, siguradong magbibigay ang CPP ng bagong ambag para sa kasaganaan ng bansa, kasiyahan ng mga mamamayan, at panrehiyong katatagan, kaunlaran, kapayapaan at kasaganaan.

 

Idiniin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng CPC ang mapagkaibigang pakikipagkooperasyon sa CPP.

 

Kasama ni Hun Sen, nakahanda aniyang palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng CPC at CPP sa iba’t ibang larangan para makinabang ang dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.

 

Nang araw ring iyon, nagpadala rin si Premyer Li Qiang ng Tsina ng mensaheng pambati kay Hun Sen.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil