Wang Yi, dumalo sa pulong ng BRICS

2023-07-26 15:13:04  CMG
Share with:

 

Dumalo kahapon, Hulyo 25, 2023 sa Johannesburg, Timog Aprika si Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa ika-13 pulong ng BRICS National Security Advisers and High Representatives on National Security.

 

Binigyang-diin ni Wang na ang “Global South” ay isang koleksyon ng mga emerging market at umuunlad na bansa, at nagpapakita ng pag-ahon sa internasyonal na yugto.

 

Sinabi ni Wang na dapat igiit ng mga bansang “Global South” ang sariling landas ng pag-unlad, katigan ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa sariling nukleong kapakanan, at sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, tutulan ang anumang aksyong nakakapinsala sa pagkakaisa at kooperasyon ng BRICS.

 

Saad pa ni Wang na dapat palalimin ang South-South Cooperation, pasulungin ang pagkakaisa at pag-unlad ng “Global South”, magkasamang pangalagaan ang pambansang katatagan at seguridad at pasulungin ang konstruksyon ng pantay at maayos na Multipolar World.

 

Kasama ng ibang mga bansang BRICS, nakahanda aniya ang Tsina na katigan ang pagsisikap ng iba’t-ibang panig para pangalagaan ang sariling katatagan at seguridad, isagawa ang mas maraming kooperasyon hinggil sa pagharap sa pandaigdigang hamon at palawakin ang impluwensya ng BRICS sa daigdig.

 

Tinalakay sa pulong na ito ang mga isyung kinabibilangan ng kasalukuyang hamong panseguridad, paglaban sa terorismo, cyber security, at seguridad ng pagkaing-butil, tubig at enerhiya.

 

Sumang-ayon naman ang kalahok na panig sa pagpapahigpit ng diyalogo, pagsasanggunian at kooperasyon, pagkatig sa pagtaguyod ng Timog Aprika sa leaders meeting ng BRICS, at pagpapasulong ng kooperasyon ng BRICS.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil