Op-ed: Ang puwersahang pagpapasulong ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, muling nagpapakita ng “kawalang-kabanalan” na Hapon at “double standard” ng mga bansang Kanluranin

2023-07-26 14:17:00  CMG
Share with:


Sa mata ng napakaraming tao, ang Hapon ay isang bansang nagpapahalaga sa kagandahang-asal. Pero, sa pakikipag-ugnayan sa mga ibang bansa, ang Hapon ay kulang sa katarungan sa pagitan ng bansa at pandaigdigang moralidad.


Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II, idinulot ng Hapon ang napakalalim na kalamidad sa mga bansang Asyanong kinabibilangan ng Pilipinas at Tsina; sa ngayon, sa kabila ng pagtutol ng komunidad ng daigdig, puwersahang isinusulong ng Hapon ang plano ng pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.

Ayon sa Kyodo News ng Hapon, handa na ang lahat tungkol sa pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat. Pagtaya nitong sa susunod na Agosto, posibleng pormal na pasimulan ng pamahalaang Hapones ang kaukulang plano nito.


Ang iresponsableng kilos ng Hapon ay grabeng makakasira sa yaman at sistemang ekolohikal ng dagat, at magdudulot ng napakalaking masamang epekto sa seguridad ng kalusugang pampubliko sa daigdig at aktuwal na kapakanan ng mga mamamayan sa rehiyong Asya-Pasipiko.


Sa Pilipinas, idinaos kamakailan ng mga organisasyon ang isang serye ng aktibidad upang ipahayag ang kanilang pagkabahala at pagtutol sa pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.


Noong Hulyo 19, idinaos sa harap ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) ng mga mamamayang Pilipino ang aktibidad bilang protesta sa naturang plano ng Hapon.

Isinumite ng mga protestador ang isang petisyon sa DFA kung saan hinihimok ang pamahalaan na ihayag ng malinaw ang posisyon ng pagtutol sa Hapon at humihiling sa pamahalaang Hapones na aktuwal na igarantiya ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino.

Inihayag noong Hulyo 10 ni Teresita Ang-See, Tagapagtatag ng Kaisa Para Sa Kaunlaran at iskolar, na iresponsableng kilos sa buong sangkatauhan ang puwersahang pagpapasulong ng Hapon ng pagtatapon ng nuklear na kontamindong tubig sa dagat.


Nanawagan siya sa mga Pilipino na magkaisa upang tutulan ang nasabing kilos ng Hapon.

Noong Hunyo 19, isang porum ang idinaos sa Quezon City ng mga kinatawan ng mangingisda at mga organisasyong Pilipino upang mariing tutulan ang pagtatapon ng Hapon ng nuklear kontaminadong tubig sa dagat.


Hinimok din nila ang pamahalaang Hapones na pakinggan ang panawagan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.


Sa isang news briefing na idinaos noong Mayo 20 sa Quezon City, buong tinding tinutulan ni Tagapagsalita Ronnel Arambulo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), ang naturang plano ng pamahalaang Hapones.


Aniya, ang kilos na ito ay grabeng magdudumi sa kapaligirang ekolohikal ng dagat, at malubhang makakaapekto sa ikabubuhay ng milyun-milyong mangingisdang Pilipino.

Bukod pa riyan, isang simposyum na may temang “Fukushima Radioactive Waste Water Release: Crime Against Humanity” ang idinaos noong Marso 18 ng Asian Century Philippines Strategic Studies.


Sa isang pahayag na inilabas sa porum, tinukoy nito na ang kapasiyahan ng pamahalaang Hapones ay nagbabalewala sa karapatang pantao at obligasyong pandaigdig. Dapat aniyang patuloy na tutulan ng komunidad ng daigdig ang kapasiyahang ito ng Hapon.


Tulad ng Pilipinas, napakahalagang katuturan ng dagat para sa Tsina.

Ipinahayag ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang plano ng Hapon sa pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat ay magbubunsod ng walang katiyakang panganib sa pangkalahatang kapakanan ng komunidad ng daigdig.


Hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Hapones na tumpak na pakitunguhan ang pagkabahala ng komunidad ng daigdig, isabalikat ang karapat-dapat na responsibilidad at obligasyong pandaigdig nito, agarang itigil ang planong ito, at hawakan ang nuklear na kontaminadong tubig sa siyentipiko, maliwanag, at maligtas na paraan.

Bukod sa Pilipinas at Tsina, magkakasunod na ipinaabot kamakailan ng mga mamamayan ng mga bansang tulad ng Timog Korea, Indonesia, Pacific Islands countries (PICs), Timog Aprika, at Peru, ang kani-kanilang pagtutol sa plano ng Hapon.


Sa kabila ng napakatinding pagtutol ng komunidad ng daigdig, nakapikit ang mata at walang anumang sinasabi ang Amerika at ilang bansang Kanluranin tungkol dito.


Dahil sa labis na pagtotroso at napakasamang paggagalugad, naganap noong 2019 ang isang napakalaking sunog sa tropical rainforest ng Brazil na tinagurian itong “lungs of the Earth.”


Pagkatapos nito, agarang kinondena ng Finland, bansang tagapangulo ng Unyong Europeo (EU) sa panahong iyon, at Amerika ang Brazil sa pagkasira ng rainforest.


Ngunit sa kasalukuyan, grabeng sasalantahin ang dagat na tinaguriang “heart of the Earth,” kolektibong walang sinasabi ang Amerika at mga bansang kanluranin.


Muli nitong ipinahihiwatig ang kanilang pagkakakunwari at “double standard.”

Komong lupang tinubuan ng buong sangkatauhan ang dagat. Sana’y mapapakinggan ng pamahalaang Hapones ang makatwirang panawagan ng iba’t-ibang panig, ipatutupad ang obligasyong pandaigdig nito, at agarang itigil ang plano nitong itapon ang nuklear na kontaminadong tubig sa dagat upang isauli ang kalinisan sa dagat, isauli ang katahimikan sa sangkatauhan, at isauli ang hinaharap sa buong mundo.


Ulat / Salin: Lito

Pulido: Ramil