MOFA: Nakahandang patuloy na pahigpitin, kasama ng iba’t ibang bansa ng daigdig, ang kooperasyon sa seguridad ng pagkaing-butil at pagpawi sa kahirapan

2023-07-26 15:30:55  CMG
Share with:

 

Sinabi kahapon, Hulyo 25, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang seguridad ng pagkaing-butil ay pundamental na isyung may kinalaman sa eksistensya ng sangkatauhan, at kasama ng iba’t ibang bansa ng daigdig, nakahanda ang Tsina na patuloy na pasulungin ang pagsasakatuparan ng Global Development Initiative (GDI), at pahigpitin ang kooperasyon sa seguridad ng pagkaing-butil at pagpawi sa kahirapan.

 

Ipinahayag Hulyo 24 ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na nasira na ang pandaigdigang sistema ng pagkaing-butil, at dapat baguhin ang paraan ng pagpoprodyus at pagkokonsumo ng pagkaing-butil.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Mao na hindi pa nalulutas ang isyu ng kahirapan at gutom sa buong daigdig at dapat lubos na pahalagahan ng komunidad ng daigdig ang isyu ng seguridad ng pagkaing-butil at mahanap ang mabisang paraan ng paglutas nito sa pamamagitan ng pandaigdigang kooperasyon.

 

Saad pa ni Mao na nagpoprodyus ang Tsina ng halos sangkaapat na pagkaing-butil ng buong daigdig na lumutas sa isyu ng pagkaing-butil para sa 1.4 bilyong populasyon. Ito aniya ay malaking ambag para sa seguridad ng pagkaing-butil ng buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil