Ika-77 regular session ng UN Board of Auditors, idinaos

2023-07-27 15:30:24  CMG
Share with:

Idinaos mula Hulyo 25 hanggang 26, 2023 sa Punong Himpilan ng United Nations sa New York ang ika-77 regular session ng United Nations Board of Auditors .


Pinanguluhan ang pulong na ito ni Hou Kai, Tagapangulo ng Board, at Auditor-General ng National Audit Office ng Tsina.


Sinuri at pinagtibay sa pulong ang 21 audit report ng mga organo at programa ng UN sa 2022 fiscal year.


Habang ginaganap ang pulong, nagpalitan ang mga miyembro ng Board at si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ng mga palagay hinggil sa mga pangunahing isyung natuklasan sa audit, kasalukuyang pangunahing gawain at mga hamon ng UN.


Idiniin ni Hou na buong sikap na isasabalikat ng Board ang responsibilidad ng audit para pasulungin ang pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN.


Hinangaan ni Guterres ang mahalagang papel ng Board sa pagbibigay-tulong sa UN hinggil sa pagpapabuti ng pangangasiwa, at pagpapahigpit ng pagkontrol sa loob.


Ipinahayag niyang patuloy na pahihigpitin ng UN ang kooperasyon sa Board para aktibong ayusin ang mga isyung natuklasan sa audit at katigan ang gawain ng Board.


Salin:Ernest

Pulido: Ramil