Ministri ng Transportasyon ng Tsina, sinimulan ang level-one response sa bagyong Doksuri

2023-07-28 14:32:29  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng Ministri ng Transportasyon ng Tsina ngayong araw, Hulyo 28, 2023, pinataas nito ang antas ng pagtugon sa bagyong Doksuri sa level one.


Ayon sa nabanggit na departamento, pansamantalang sarado na ang mga pambansang lansangan sa loob ng lunsod ng Xiamen, Zhangzhou at Quanzhou ng lalawigang Fujian.


Bukod dito, pansamantalang sarado rin ang bahagi ng 7 lansangan sa loob ng lalawigang Zhejiang at bahagi ng 13 lansangan sa loob ng lalawigang Guangdong.


Ayon sa ulat ng meteorological center ng lalawigang Fujian, naglandfall ngayong umaga ang bagyong Doksuri sa baybaying dagat ng Jinjiang ng lunsod ng Quanzhou ng lalawigang Fujian.


Nananatili pa rin ang level one response ng lalawigang Fujian sa bagyo at storm rain.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil