Nagtagpo kahapon ng hapon, Hulyo 27, 2023 sa Chengdu ng lalawigang Sichuan sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Joko Widodo ng Indonesia, na siya ay nandito para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-31 FISU Summer World University Games at dumalaw sa Tsina.
Idiniin ni Xi na kasama ng Indonesia, nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang regular na estratehikong pag-uugnayan, patatagin ang mekanismo ng “2+2” diyalogo sa pagitan ng ministrong panlabas at ministro ng tanggulan ng dalawang bansa, at palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan.
Saad ni Xi na sa malapit na hinaharap, sisimulan ang pormal na operasyon ng Jakarta-Bandung High-speed Railway, dapat buong sikap na maigarantiya ng dalawang panig ang de-kalidad at mataas na antas ng proyektong ito.
Sinabi pa ni Xi na sinusuportahan ng Tsina ang konstruksyon ng bagong kabisera at North Kalimantan Industrial Park ng Indonesia at kasama ng bansang ito nakahandang palawakin ng Tsina ang kooperasyon sa new energy vehicles, smart cities, angkatin ang mas maraming produkto ng Indonesia, at pahigpitin ang kooperasyon sa seguridad ng pagkaing-butil, pagpawi sa kahirapan, pag-unlad ng kanayunan, bokasyonal na edukasyon, kalusugan, medisina, kultura at turismo.
Tinukoy ni Xi na nakahanda ang Tsina na palalimin, kasama ng ASEAN, ang komprehensibong estratehikong partnership, at katigan ang Indonesia bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN.
Kasama ng Indonesia, nakahanda rin ang Tsina na pahigpitin ang pagkokoordinahan at pag-uugnayan sa mga multilateral na mekanismo gaya ng G20 at BRICS, dagdag pa ni Xi.
Ipinahayag ni Widodo na matatag na iginigiit ng Indonesia ang pakatarang isang Tsina at nakahandang pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa dagat, seguridad ng pagkaing-butil, at kalusugan.
Sinabi pa niyang kinakatigan ng kanyang bansa ang Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative na iniharap ni Pangulong Xi.
Kasama ng Tsina, nakahanda ang Indonesia na pahigpitin ang estratehikong pag-uugnayan para magkasamang pangalagaan ang katatagan, kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito, aniya pa.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang sinaksihan nila ang paglalagda ng mga dokumento ng kooperasyon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil