Mga dayuhang lider, nasa Chengdu para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Chengdu Universiade

2023-07-28 15:14:15  CMG
Share with:

Mula Hulyo 26 hanggang ngayong araw, Hulyo 28, 2023, magkakasunod na dumating sa Chengdu ng lalawigang Sichuan ng Tsina ang mga dayuhang lider para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-31 FISU World University Games.


Ang naturang mga dayuhang lider ay kinabibilangan nina Punong Ministro Irakli Garibashvili ng Georgia, Pangulong Irfaan Ali ng Guyana, Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, Pangulong Evariste Ndayishimiye ng Burundi, at Pangulong Mohamed Ould Cheikh Ghazouani ng Mauritania.


Ang seremonya ng pagbubukas ng Chengdu Universidad ay idaraos sa gabi ng Hulyo 28.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil