Tsina, patuloy na pangangalagaan ang lehitimong karapatan ng Hong Kong sa paglahok ng APEC Leaders’ Meeting

2023-07-29 13:28:38  CMG
Share with:

Ipinahayag Hulyo 28, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagtanggi ng panig Amerikano sa pag-imbita sa paglahok ni John Lee, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting na gaganapin sa Amerika, ay lantarang lumalabag sa regulasyon ng APEC, at grabeng sumasalungat sa pangako ng panig Amerikano.


Ani Mao, ipinahayag ng panig Tsino ang matinding pagtutol tungkol dito, at buong tatag na pangangalagaan ang makatwiran at lehitimong karapatan ng Hong Kong sa paglahok sa nasabing pulong.


Dagdag niya, hinihiling ng panig Tsino sa panig Amerikano na agarang iwasto ang maling kagawian nito, alisin ang sangsyon kay John Lee at sa mga opisyal ng HKSAR, at ipatupad ang karapat-dapat na responsibilidad nito bilang APEC host.


Salin: Lito