Tsina sa UNSC: alisin ang sangsyon sa kaukulang bansang Aprikano sa pinakamadaling panahon

2023-07-29 13:26:10  CMG
Share with:

Sa bukas na pulong ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa pangangalaga sa mga sibilyan sa aksyong pamayapa, nanawagan si Geng Shuang, pirmihang pangalawang kinatawang Tsino sa UN, sa UNSC na alisin ang sangsyon sa mga kaukulang bansang Aprikano sa lalong madaling panahon.


Sinabi ni Geng na isinasabalikat ng mga kaukulang bansa ang responsibilidad ng pangangalaga sa kanilang sariling sibilyan. Dapat aniyang aktibong suportahan ng mga aksyong pamayapa ang mga kaukulang bansa sa pagharap sa hamong panseguridad at pagpapalakas ng kakayahan ng proteksyon.


Aniya, ang ipinapataw na sangsyon ng UNSC ay grabeng nakakahadlang sa kakayahan ng kaukulang bansang Aprikano sa pagpapatupad ng responsibilidad sa pangangalaga sa kanilang sibilyan, kaya dapat alisin ang mga sangsyon sa pinakamadaling panahon.


Dagdag pa niya Geng, patuloy na kakatigan, isusulong, at lalahukan ng panig Tsino ang mga aksyong pamayapa ng UN upang makapagbigay ng mas malaking ambag para sa pangangalaga sa kapayapaan at katiwasayang pandaigdig.


Salin: Lito