Tsina, inilaan ang disaster-relief fund sa mga lugar na apektado ng mga likas na kalamidad

2023-07-30 15:54:30  CMG
Share with:

Inilaan kamakalawa, Hulyo 28, 2023, ng mga may kinalamang departamento ng pamahalaan ng Tsina ang 290 milyong yuan RMB mula sa central natural disaster-relief fund, para suportahan ang mga gawain ng pagliligtas at panaklolo sa mga lugar ng bansa na apektado ng mga likas na kalamidad.

 

Kabilang dito, 90 milyong yuan ay ibibigay sa mga lalawigang Fujian, Guangdong, at Zhejiang na sinalanta ng bagyong Doksuri.

 

Ang 200 milyong yuan naman ay pupunta sa Sichuan at Inner Mongolia, na magkahiwalay na apektado ng baha at tagtuyot.


Editor: Liu Kai