Ayon sa ulat ng local media, di-kukulangin sa 46 katao ang nasawi sa suicide bombing sa isang pagtitipun-tipong pulitikal na naganap Linggo, Hulyo 30, 2023 sa probinsyang Khyber Pakhtunkhwa sa hilagang kanluran ng Pakistan.
Samantala, mahigit 130 iba pa ang nasugatan, kaya posibleng tumaas ang bilang ng mga nasawi.
Naganap ang naturang pagsabog sa pagtitipun-tipon ng Jamiat Ulema Islam-Fazl (JUI-F) party, pangunahing kaalyansa ng pamahalaan ni Punong Ministro Shehbaz Sharif, sa Bajaur district na hangganan ng Afghanistan.
Hanggang sa kasalukuyan, walang sinuman ang umaming may kagagawan ng pagsabog.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil