Nagtagpo kahapon, Hulyo 30, 2023 sa Tehran, kabisera ng Iran, sina Hossein Amir-Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran, at Jeanine Hennis-Plasschaert, Espesyal na Sugo ng United Nations (UN) sa isyu ng Iraq, para talakayin ang pag-unlad ng Iraq.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Iran, nag-koment si Hennis-Plasschaert ng kalagayan sa loob at labas ng Iraq at nariin ang konstruktibong papel ng Iran sa isyu ng Iraq.
Sinabi ni Amir-Abdollahian na ang Iran at Iraq ay mayroong mainam, matibay at konstruktibong bilateral na relasyon. Ito aniya ay nakakatulong sa sustenableng pag-unlad, katatagan at seguridad ng rehiyong ito.
Bukod dito, idiniin niya na mahalaga ang paggarantiya ng seguridad ng hanggahan ng dalawang bansa at dapat tumpak na isakatuparan ang kasunduang panseguridad na nilagdaan ng dalawang bansa noong nagdaang Marso.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil