Xi Jinping, bumati sa ika-10 anibersaryo ng pagsisimula ng China-Pakistan Economic Corridor

2023-08-01 15:38:06  CMG
Share with:

Islamabad, Pakistan - Isang liham na pambati ang ipinadala Lunes, Hulyo 31, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa aktibidad ng pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng pagsisimula ng China-Pakistan Economic Corridor na ginanap nang araw ring iyon.

 

Tinukoy ni Xi na sapul nang ilunsad ang nasabing koridor noong 2013, natamo ang isang pangkat ng maagang bunga, bagay na nakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan ng Pakistan, at nakapaglatag din ng mainam na pundasyon sa konektibidad at integrasyon ng rehiyon.

 

Kasama ng panig Pakistani, nakahanda ang panig Tsino na igiit ang target ng sustenableng pag-unlad sa mataas na pamantayan na maghatid ng benepisyo sa mga mamamayan, walang humpay na palawakin at palalimin ang kooperasyon, at ibayo pang itayo ang nasabing koridor bilang modelo ng mga proyekto ng de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road, diin ni Xi.


Salin: Vera

Pulido: Ramil