Iniutos ngayong araw, Agosto 1, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga departmento na buong sikap na iligtas ang mga nawawala at nakulong dahil sa baha, water logging at geological disaster na dulot ng bagyong Doksuri kamakailan.
Hiniling din ni Xi na bigyan ng agarang lunas ang mga nasugatan at isagawa ang pakikiramay sa mga kamag-anak ng mga biktima ng kalamidad.
Saad ni Xi na dapat isaayos ang pamumuhay ng mga apektadong mamamayan ng kalamidad, pabilisin ang pagkumpuni ng mga nasirang imprastruktura sa transportasyon, komunikasyon at kuryente, at panumbalikin ang normal na pamumuhay at paggawa sa lalong madaling panahon.
Idiniin ni Xi na dapat lubos na pahalagahan ng iba’t ibang lugar at mga departamento ang gawaing pagpigil at pagharap sa kalamidad ng baha, at buong sikap na maigarantiya ang kaligtasan ng ari-arian at buhay ng mga mamamayan at katatagan ng buong lipunan.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil