Ipinahayag kahapon, Hulyo 31, 2023 ng tagapagsalita ng Democratic Party, pinakamalaking oposisyon ng Timog Korea, na sa pamamagitan ng Embahadang Hapones sa Timog Korea, ipinadala Hulyo 28 ni Lee Jae-myung, lider ng partidong ito, ang liham kay Fumio Kishida, Punong Ministro ng Hapon, para himukin ang pamahalaang Hapones na itigil ang plano ng pagtatapon ng nuclear-contaminated wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant sa dagat.
Sa kanyang liham, ipinahayag ni Lee ang pagkabahala at pagtutol ng mga mamamayang T.Koreano sa nabanggit na plano.
Ipinanawagan din niya sa panig Hapones na hanapin ang ligtas na plano sa paghawak ng naturang mga wastewater sa pamamagitan ng kooperasyon sa komunidad ng daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil