Pangkagipitang kalagayan ng Myanmar, ipagpapatuloy nang 6 buwan

2023-08-01 15:45:39  CMG
Share with:

Ipinasiya Hulyo 31, 2023, sa pulong ng National Defense and Security Council (NDSC) ng Myanmar, na ipagpapatuloy nang 6 na buwan ang pangkagipitang kalagayan ng buong bansa. 


Iniulat sa pulong ni Min Aung Hlaing, commander-in-chief of Defence Services, ang gawain ng State Administration Council ng Myanmar nitong nakaraang 6 na buwan at gawain nito sa hinaharap. 


Pagkaraan ng pagtalakay, ipinasiya ng mga miyembro ng NDSC na ipagpapatuloy muli nang 6 na buwan ang pangkagipitang kalagayan ng bansa mula unang araw ng Agosto, para igarantiya ang kasiya-siyahang pagpapatupad ng commander-in-chief of Defence Services ng kanyang duty. 


Dumalo sa pulong si Acting President U Myint Swe ng Myanmar at nilagdaan niya ang proklamasyon tungkol sa pagpapatuloy ng pangkagipitang kalagayan. 


Ipinatalastas ni Myint Swe na ipapalipat muli ang iba’t ibang kapangyarihan ng bansa sa tagapangulo ng State Administration Council at commander-in-chief of Defence Services.


Salin:Sarah

Pulido:Ramil