Sa isang epesyal na imbestigasyon ng Department of Justice ng Amerika, inakusahan Martes, Agosto 1, 2023 si Donald Trump, dating pangulo ng Amerika, ng pagtatangka nitong pabagsakin ang resulta ng halalang pampanguluhan noong 2020.
Sa ulat na binanggit ng departamento, kinakaharap ni Trump ang 4 na akusasyon ng krimen na kinabibilangan ng una, conspiracy to defraud the United States; ikalawa, conspiracy to obstruct an official proceeding; ikatlo, obstruction of and attempt to obstruct an official proceeding; at ikaapat, conspiracy against rights.
Nabanggit sa ulat ang 6 na kasabwat ni Trump na kinabibilangan ng 4 na abogado, isang opisyal ng Department of Justice at isang political advisor. Pero hindi inilabas ng ulat ang mga pangalan ng naturang 6 na kasabwat.
Ito ang ikatlong beses na tumanggap si Trump ng aksusayong krimen pagkatapos ng kanyang termino ng pagkapangulo noong 2021.
Salin:Ernest
Pulido: Ramil