Inanunsyo unang araw ng Agosto, 2023, ng State Administration Council ng Myanmar ang kautusan ng amnestiya para sa halos 8,000 bilanggo.
Binawasan nang 6 na taong sentensya si Aung San Suu Kyi, dating State Counsellor ng Myanmar, na may natitirang mahigit 20 taon pagkakasentensya.
Binawasan naman nang 4 na taon ang sentensya ni U Win Myint, dating Pangulo ng Myanmar, na may natitirang 10 taon pagkakasentensya.
Noong Enero, Abril at Mayo ng taong ito, pinatawad din ng State Administration Council ng Myanmar ang libu-libong bilanggo.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil