MOFA: Itigil ang anumang aksyon para pahigpitin ang pagkontak na militar ng Amerika at Taiwan

2023-08-03 15:02:06  CMG
Share with:

Kaugnay ng kapasiyahan ng White House na ipagkaloob ang halos $345 milyong panaklolong militar sa Taiwan, ipinahayag kahapon, Agosto 2, 2023 ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang pagkakaloob ng Amerika ng panaklolong militar sa Taiwan ay malubhang lumabag sa prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, malubhang nakapinsala sa soberanya at seguridad ng Tsina, at relasyon ng dalawang bansa at katatagan ng Taiwan Strait.

 

Aniya pa, matatag na tinututulan ng panig Tsino ang naturang aksyon ng Amerika at iniharap ang solemnang representasyon sa Amerika.

 

Idiniin ng Tagapagsalia na ang isyu ng Taiwan ay ubod ng nukleong kapakanan ng Tsina, unang redline ng relasyong Sino-Amerikano na hindi kayang makatawid.

 

Hinimok niya ang panig Amerikano na aktuwal na sundin ang prinsipyong isang-Tsina at mga tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng dalawang basna, itigil ang pagpapahigpit ng pagkontak militar sa Taiwan sa anumang ngalan at paraan, itigil ang pagpapaigting ng tensyon ng kalagayan ng Taiwan Strait at itigil ang pagsuporta at pagsabwatan sa puwersa ng “pagsasarili ng Taiwan.”


Salin: Ernest

Pulido: Ramil