Kabuuang bolyum ng kalakalan ng serbisyo ng Tsina sa unang hati ng 2023, lumaki ng 8.5%

2023-08-04 15:09:08  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Huwebes, Agosto 3, 2023 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang hati ng taong 2023, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng serbisyo ng bansa ay umabot sa mahigit 3.1 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 8.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.


Kabilang dito, ang bolyum ng pagluluwas ay umabot sa mahigit 1.3 trilyong yuan Renminbi na bumaba ng 5.9% at ang bolyum ng pag-aangkat ay umabot sa mahigit 1.8 trilyong yuan Renminbi na lumaki ng 22.1%. Ang halaga ng trade deficit ay umabot sa 489.4 bilyong yuan Renminbi.


Sa mga larangan ng kalakalan ng serbisyo, ang bolyum ng kalakalan ng knowledge-intensive service ay umabot sa mahigit 1.3 trilyong yuan Renminbi noong unang hati ng taong ito na lumaki ng 12.3% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022. Ang bolyum na ito ay katumbas ng 43.5% ng kabuuang bolyum ng kalakalan ng serbisyo noong unang hati ng taong ito.


Ang bolyum ng kalakalan ng serbisyo ng turismo ay umabot sa mahigit 650 bilyong yuan Renminbi na lumaki ng 65.4%. Ang paglaki ng turismo ay naging pinakamalaking bahagdan ng paglaki ng mga larangan ng kalakalan ng serbisyo.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil