Sa open debate ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa sagupaan at seguridad ng pagkaing-butil, ipinahayag kahapon, Agosto 3, 2023 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na ang kawalan ng seguridad ng pagkaing-butil ay sa esensiya, bunga ng di-balenseng pag-unlad ng buong daigdig at palagian at aktibong isinasagawa ng Tsina ang aktuwal na aksyon para pangalagaan ang seguridad ng pagkaing-butil ng buong daigdig.
Ipinanawagan ni Zhang ang komunidad ng daigdig na isagawa ang magkasamang aksyon, pasulungin ang pagsasakatuparan ng resolusyon bilang 2417 ng UNSC, igiit ang pulitikal na paglutas sa mga hidwaan at putulin ang vicious circle ng sagupaan at gutom.
Idiniin ni Zhang na isinasagawa ng Tsina ang kooperasyon ng agrikultura sa mahigit 140 bansa at rehiyon, ipinagkaloob ang mahigit 1000 teknolohiyang agrikultural sa mga umuunlad na bansa, sinanay ang mahigit 14 na libong talento sa teknolohiya ng palay para sa mahigit 80 umuunlad na bansa, at ipinagkaloob ang pangkagipitang tulong ng pagkaing-butil sa mga bansa.
Saad pa ni Zhang na sa hinaharap, patuloy na magbibigay ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa ng daigdig, ng bagong ambag para sa pangangalaga sa pandaigdigang seguridad ng pagkaing-butil.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil