Karagdagang 100 milyong yuan, inilaan sa apektadong lugar ng baha

2023-08-05 14:33:20  CMG
Share with:

Ayon sa Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, grabeng sinalanta kamakailan ng napakalakas na ulan at baha ang Tianjin at Hebei.


Inilaan Agosto 4, 2023 ng nasabing komisyon ang karagdagang 100 milyong yuan (halos 14 milyong U.S. dollars) mula sentral badyet nito upang katigan ang rekonstruksyon ng imprastruktura at pasilidad ng pampublikong serbisyo sa mga lugar ng Tianjin at probinsyang Hebei na grabeng apektado ng baha.


Salin: Lito