Tsina, inilaan muli ang 350 milyong yuan para sa gawaing panaklolo

2023-08-07 14:25:42  CMG
Share with:

 

Bilang tugon sa kalamidad ng napakalakas na ulan at baha sa Beijing, Tianjin, Hebei at Hilagang Silangan ng Tsina, inilaan muli kahapon, Agosto 6, 2023 ng Ministry of Finance at Ministry of Emergency Management ang 350 milyong yuan para gamitin sa mga gawaing panaklolong gaya ng pagpigil ng panganib, pangkagipitang tulong at pagtulong sa mga apektadong mamamayan.

 

Nauna rito, inilaan na ng pamahalaang Tsino ang 170 milyong yuan Renminbi para rito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil