2023 ASEAN-China Week, binuksan

2023-08-07 14:24:18  CMG
Share with:

 

Binuksan kahapon, Agosto 6, 2023 sa lunsod ng Fuzhou ng lalawigang Fujian ang serye ng mga aktibidad ng ASEAN-China Week.

 

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Shi Zhongjun, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Centre (ACC), na sa pamamagitan ng nabanggit na aktibidad, umaasang patuloy na mapapatatag ang pagkakaibigan ng dalawang panig, mapapabilis ang pagsasakatuparan ng komong hangarin ng dalawang panig, at mapapasulong ang de-kalidad at sustenableng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan.

 

Ipinahayag naman ni Satvinder Singh, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN Sekretaryat, na bilang tugon sa bagong kalagayang pandaigdig pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dapat pahigpitin ng dalawang panig ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng malayang kalakalan, integrasyon ng kabuhayan, digital economy, sustenableng pag-unlad at green tourism.

 

Ang ASEAN-China Week ay tatagal hanggang Agosto 11. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang halos 300 panauhing gaya ng mga mataas na opisyal, diplomata, dalubhasa at media ng Tsina at mga bansang ASEAN.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil