CPI ng Tsina noong Hulyo, tumaas ng 0.2%

2023-08-09 14:57:00  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Agosto 9, 2023 ng National Bureau of Statistics ng Tsina (NBS), noong nagdaang Hulyo, ang Consumer Price Index (CPI) ng Tsina ay tumaas ng 0.2% kumpara sa nagdaang Hunyo, pero bumaba ng 0.3% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Kabilang sa mga larangan at industriya, ang presyo ng pagkain ay bumaba ng 1.7% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Ang presyo ng serbisyo ay tumaas ng 1.2% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Ang presyo ng industrial products naman ay bumaba ng 1.9% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Maliban sa presyo ng pagkain at enerhiya, ang nukleong CPI ay tumaas ng 0.8% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil