Wang Yi, dadalaw sa Singapore, Malaysia, at Cambodia

2023-08-09 15:59:31  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Agosto 9, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya nina Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore, Zambry bin Abdul Kadir, Ministrong Panlabas ng Malaysia, at Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cambodia, dadalaw si Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministrong Panlabas ng bansa, sa naturang tatlong bansa mula Agosto 10 hanggang 13.

 

Sinabi ni Mao na umaasa ang panig Tsino na sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, mapapahigpit ng Tsina at tatlong bansa ang estratehikong pag-uugnayan, mapapalalim ang mga kooperasyon, at mapapasulong ang bilateral na relasyon.

 

Aniya pa, kasama ng naturang tatlong bansa, nakahanda ang Tsina na magkakasamang pasulungin ang pagsasakatuparan ng Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative, para bigyang-ambag ang pagbangon ng kabuhayan, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil