Kaugnay ng administratibong kautusan ng Amerika hinggil sa pagrerepaso ng dayuhang pamumuhunan, ipinahayag Agosto 10, 2023, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina, na ang pagpapataw ng mga limitasyon ng Amerika, sa mga kumpanya nitong namumuhunan sa ibang bansa ay, sa katotohanan, pag-decoupling sa sektor ng pamumuhunan, sa pangangatwiran ng di-umanong de-risking.
Ito ay aniya malubhang lumalabag sa mga prinsipyo ng ekonomiya ng merkado at patas na kumpetisyon na itinataguyod ng Amerika, naapektuhan nito ang normal na operasyon at pagdedesisyon ng mga kumpanya, pinapahina ang pandaigdigan kaayusan ng internasyonal na kabuhayan at kalakalan, at seryosong nakakagambala sa seguridad ng industriyal at supply chain.
Ang Tsina ay seryosong nababahala tungkol dito at inilalaan ang karapatang gumawa ng mga hakbangin, dagdag niya.
Ipinahayag din ng tagapagsalita ng MOC na umaasa ang Tsina na igagalang ng Amerika ang mga batas ng ekonomiya ng merkado at prinsipyo ng pantay na kompetitsyon, at huwag hahadlangan ang pangkabuhayan at pangkalakalang pagpapalitan at kooperasyon ng buong daigdig, huwag hahadlangan ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil