Tsina, pakikidalamhati sa Pakistan hinggil sa pagkadiskaril ng tren

2023-08-10 13:45:26  CMG
Share with:

Kaugnay ng insidente ng pagkadiskaril ng tren na naganap Agosto 6, 2023 sa lalawigang Sindh ng Pakistan, ipinahayag kahapon, Agosto 9, ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang taos-pusong pakikidalamhati sa mga biktima ng insidente at pakikiramay sa mga nasugatan at kamag-anak ng mga biktima.


Pinagpapala rin ng tagapagsalita na gagaling ang mga nasugatan sa lalong madaling panahon.


Ayon sa ulat, di-kukulangin sa 30 katao ang nasawi at 100 ang nasugatan sa nabanggit na insidente.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil