Tsina, kinondena ang pagdalaw ni Taro Aso sa Taiwan

2023-08-10 13:42:14  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, dumalaw kamakailan si Taro Aso, Pangalawang Presidente ng Liberal Democratic Party at dating Punong Ministro ng Hapon, sa Taiwan at nakipagtagpo kina Tsai Ing-wen at Lai Ching-te.


Kaugnay nito, ipinahayag Miyerkules, Agosto 9, 2023 ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iniharap ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa Hapon at matinding kinondena ang naturang pagdalaw.


Sinabi ng tagapagsalita na sa kabila ng matatag na pagtutol ng panig Tsino, dumalaw si Aso sa Taiwan, siya ay nagudyok ng tension sa kalagayan ng Taiwan Strait at marahas na nakialam sa suliraning panloob ng Tsina.


Ito aniya ay malubhang lumalabag sa prinsipyong isang-Tsina at 4 na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon, at nakapinsala sa pundamental na prinsipyo ng pandaigdigang relasyon.


Idiniin ng tagapagsalita na ang pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng inangbayan ay komong hangarin ng buong Nasyong Tsino at pangunahing tunguhin ng kasaysayan.


Hinimok niya ang panig Hapones na malalimang pagsisihan ang kasaysayan ng pananalakay nito sa Taiwan, sundin ang prinsipyong isang-Tsina at mga pangako hinggil sa isyu ng Taiwan, itigil ang pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina sa anumang paraan, at huwag suportahan ang puwersa ng pagsasarili ng Taiwan sa anumang paraan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil