Mga dayuhang sugo, sinasaksihan ang masiglang buhay, pag-unlad sa pagbisita sa Xinjiang – MOFA

2023-08-10 17:26:26  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 9, 2023, ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na mula noong Hulyo 31 hanggang Agosto 4, 2023, sa paanyaya ng MOFA, bumisita sa Xinjiang ang 40 personahe na kinabibilangan ng mga matataas na diplomata sa Tsina mula sa 25 bansa, na tulad ng Pakistan, Malaysia, Iran, Ehipto, at iba pa.

 

Sunod-sunod na pumunta ang delegasyon sa Kashgar, Aksu, at Urumqi at nakipag-ugnayan sa mga local religious figures, at etnikong minorya upang makakuha ng malalimang kaalaman tungkol sa tunay na kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at kasaganaan ng Xinjiang, kalayaang panrelihiyon, pamana at proteksyon ng kasaysayan at kultura, gayundin ang paglaban sa terorismo.

 

Ani tagapagsalita, sa pamamagitan ng pagbisita, nakita ng mga sugo ang matatag na lipunan ng Xinjiang, mabilis na pag-unlad ng ekonomiya, masayang mga mamamayan, at masaganang kultura.

 

Foreign envoys visit a potable water project in Jiashi County, northwest China's Xinjiang Uygur Autonomous Region, Aug. 1, 2023. (photo from Xinhua)


Walang umano’y “forced labor" ang makikita sa Xinjiang, bagkus, ginagamit ng lokalidad ang modernong makina at kagamitan sa produksyon ng agrikultura, pahayag ng mga sugong dayuhan.

 

Sinabi ng delegasyon na ang totoong kalagayan sa Xinjiang ay ganap na taliwas sa kasinungalingan na kinakalat ng mga media ng ilang bansang kanluranin.

 

Inaasahan nila na isasagawa ang mas malalim na pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Xinjiang.

 

Ipinahayag ng tagapagsalitang Tsino na matapat at malugod na winiwelkam ng Tsina ang mga kaibigang dayuhan sa pagbisita sa Xinjiang, para maramdaman ang kagandahan, harmoniya at kaunlaran.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil