Isang video ang isinapubliko Agosto 8, 2023 ng China Coast Guard (CCG) kung saan umano’y makikita ang pagpaputok kamakailan ng CCG ng water cannon sa bapor ng Pilipinas na ilegal na pumasok sa karagatan ng Ren’ai Jiao.
Naging propesyonal at mahinahon ang ginawa ng CCG upang maiwasan ang pagbanggaan na posibleng magdulot ng direktang pagharang.
Ipinakikita nito, hindi lang ang determinasyon at kakayahan ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya ng bansa at karapatan at kapakanang pandagat nito, kundi ang proteksyon sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Pilipino.
Ngunit, inatake at dinungisan ng panig Amerikano ang nasabing lehitimong aksyon ng pagpapatupad ng batas sa dagat.
Sa pahayag na ipinalabas ng Kagawaran ng Estado at Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Amerika kamakailan, sinabi nito na ang aksyon ng panig Tsino ay “lumabag sa pandaigdigang batas,” at inihayag ang suporta sa “lehitimong aksyong pandagat” ng panig Pilipino.
Sa totoo lang, ang nasabing insidente ng Ren’ai Jiao ay naganap sa kalagayang pinabilis ng Amerika ang pagsuyo ng Pilipinas at tinangkang pasulungin ang umano’y “Indo-Pacific strategy” upang pigilan ang pag-unlad ng Tsina.
Itinuturing ng Amerika ang isyu ng South China Sea bilang kagamitan sa pagpigil sa pag-unlad ng Tsina.
Walang anumang kaugnayan sa Amerika ang mga suliranin ng South China Sea. Ngunit nitong ilang taong nakalipas, kinakalat ng Amerika ang kasinungalingang umano’y “binabanta ang kalayaan sa paglayag sa South China Sea,” sinisira ang relasyon sa pagitan ng mga bansa sa rehiyong ito, at sinusulsolan ang sagupaang panrehiyon.
Muling napatunayan ng kasalukuyang insidente ng Ren’ai Jiao na di nagugustuhan ng Amerika ang katahimikan ng South China Sea. Tunay na layon ng Amerika na guluhin ang situwasyon sa karagatang ito.
Bilang tugon, kailangang magtimpi ang Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Nations (ASEAN), aktibong pasulungin ang pagsasangunian ng “Code of Conduct (COC) in the South China Sea,” buong tinding tutulan ang panghihimasok ng mga dayuhang puwersa para maresolba ang isyu ng South China Sea sa mapayapa at diplomatikong paraan.
Salin: Lito
Pulido: Ramil