Ayon sa pahayag na inilabas Agosto 7 sa website ng White House, pinagtibay nang araw ring iyon ni Pangulong Joseph Biden ang “US-Taiwan Initiative on 21st-Century Trade First Agreement Implementation Act.”
Kaugnay nito, tinukoy kahapon, Agosto 10, 2023 ng Tapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang tinututulan ng Tsina ang pagsasagawa ng Amerika ng opisiyal na pakikipag-ugnayan sa Taiwan sa anumang paraan, na kinabibilangan ng paglalagda sa mga kasunduan na may kinalaman sa soberanya o official nature.
Saad ng Tagapagsalita na ang aksyon ng Amerika ay lumalabag sa prinsipyong isang-Tsina at tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa, at sa pangako ng Amerika hinggil sa pananatili lamang ng di-opisiyal na relasyon sa Taiwan.
Ito aniya ay nagpadala ng maling mensahe sa separatistang puwersa ng Taiwan.
Hinimok ng Tagapagsalita sa Amerika na itakwil ang nabanggit na panukalang batas, at itigil ang pagpapasulong ng talastasan hinggil sa di-umano’y initiative.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil