Tsina, tutol sa cyber espionage ng Amerika sa Hapon

2023-08-11 15:23:22  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng WikiLeaks, isinagawa minsan ng Amerika ang cyber espionage sa 35 target ng Hapon na kinabibilangan ng ilang miyembro ng gabinete.


Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Agosto 10, 2023 ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Amerika ay hindi lamang nagsasagawa ng cyber espionage sa iba’t ibang bansa ng daigdig, kundi nagtangka rin kamakailan na magdeploy ng cyber force sa bansa.


Para rito, inilabas ng Amerika ang pekeng impormasyon hinggil sa di-umano’y“Chinese hackers” sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan para dukutin ang mga may kinalamang bansa, lalo na ang mga bansa sa paligid ng Tsina, na tumanggap sa pagdedeploy ng cyber forces ng Amerika, dagdag pa ng Tagapagsalita.


Idiniin ng Tagapagsalita na ang ganitong aksyon ng Amerika ay malubhang makakapinsala sa kapakanan ng estratehikong seguridad ng Tsina at madaling magdudulot ng krisis ng miscalculation.


Saad pa ng Tagapagsalita na tinututulan ng Tsina ang pagdedeploy ng Amerika ng cyber forces sa mga kapitbansa ng Tsina, at kinondena ang pagsasapubliko ng Amerika ng pekeng impormasyon para rito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil