Bagong satellite, inilunsad ng Tsina

2023-08-13 13:30:40  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng isang Long March-3B carrier rocket, matagumpay na inilunsad Agosto 13, 2023 sa Xichang Satellite Launch Center, probinsyang Sichuan, ng Tsina ang L-SAR4 01, isang bagong land observation satellite. Maalwan itong nakapasok sa nakatakdang orbit.


Gagamitin ang nasabing satellite pangunahin na, sa pagkakaloob ng remote sensing information services.


Salin: Lito